KASALI NA SI TEH?
Simula 2013 ay magsisimula na ang pagpapatupad ng panibagong
patakaran ng Miss Universe na nagpapahitulot sa paglahok ng mga transgender sa prestihiyosong
pageant.
Kaugnay ito ng pagdidiskwalipika ng23-taong gulang na Canadian
na si Jena Talackova sa Miss Universe Canada contest nang siya ay matuklasang
isang lalaki. Labing siyam na taong
gulang siya nang sumailalaim sa isang operasyon upang papalitan ang kanyang
kasarian.
Dahil dito, agad na umapela ang Gay and Lesbian Alliance
Against Defamation (GLAAD) sa organisason
ng Miss Universe na nagsasabing dapat magkaroon ng pagkakapantay pantay sa
bawat aspeto ng lipunan.
Kaya’t isang bagong patakaran ang naaprubahan ni Donald
Trump, na nagpapatakbo ng miss universe organization at ng NBC.
MISS NGA DI BA?
Isa ka ba sa mga tagahanga na sumusubaybay sa Miss Universe?
Kung gayon alam mo rin na isang patakaran dito ay ang pagiging isang tunay na
babae ng mga kalahok.
Ngunit bakit ngayon bigla na lamang papayagan ang mga
transgender na makasali dito. Hindi naman ako against sa mga transgender ngunit alam naman natin na ang Miss Universe
ay kompetisyon na ginawa para sa mga tunay babae.
Likas na nga marahil sa atin ang pagiging mahilig sa mga
kompetisyon lalo na kung pagandahan ang pag-uusapan. Nariyan ang kabi-kabilang
mga pa contest para sa mga babae, lalaki, o mga gay.
Pero ang tanong sa isyu ng Miss Universe pageant,miss nga di
ba? Nanganagahulugan lamang ito na kanya kanyang kompetisyon ang inilaan sa
bawat isa. Kaya’t kung ikaw ay isang babae dun ka sa kompetisyon na nararapat
para sa iyo, at kung ikaw ay isang lalaki dun ka sumali sa paligsahan na
nauukol naman sa iyo.
Ang usapin na ito ay parang paglalaba lamang, bawal
pagsamahin ang puti sa dekolor dahil kung ito ay pagsasamahin magkakaroon ng mantsa
ang puting damit at pangit na ang kalalabasan ng damit mo.
ANG NAKASAAD
Sa bibilikal na pananaw kung iyong babasahin ang libro ng Genesis
isinasaad dito na dalawa lamang na kasarian ang nilikha ng Diyos, ito ay ang
babae at lalaki.Malinaw na ipinaparating sa bawat isa na walang ginawang ikatlo
o ikaapat na kasarian ang Diyos.
Kaya’t kahit ano pang operasyong ang iyong ipagawa upang
baguhin ang iyong kasarian, ang iyong tunay na pagkatao ay hindi pa rin mababago.
Ang tanging bagay na hindi kayang gawin ng isang lalaki o ng isang opersyon ay ang
mabuntis at magdala ng anak sa sinapupunan. At ito ang natatanging sandata ng isang tunay
na babae.
Samakatuwid, ang pagpapahintulot sa mga transgender na
makalahok sa miss universe ay isang bagay na dapat pagtuunang pansin.